Ano ang Pangungusap?
Ang pangungusap (sentence) ay grupo o lipon ng mga salita na may buong diwa o kaisipang nais ipahayag o ipaabot. Ito ay binubuo ng simuno at panaguri.
Ano ang Simuno at Panaguri?
Ang Simuno o Paksa (subject) ay ang bahagi ng pangungusap na siyang pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin.
Halimbawa: Si Jerald ay isang magaling na mang-aawit sa kanilang lugar. Ang bola ay hindi na magamit dahil sa sobrang luma nito. Ang Panaguri(Predicate) ay ang bahagi ng pangungusap na naglalarawan sa paksa o simuno. Sa madaling salita ito ang nagbibigay ng impormasyon o kaalaman tungkol sa paksa o simuno.
Halimbawa: Si Jerald ay isang magaling na mang-aawit sa kanilang lugar.
Ang bola ay hindi na magamit dahil sa sobrang luma nito.
1. Pasalaysay o Paturol Ito ay nagsasaad ng paglalarawan o pagku-kwento tungkol sa isa o higit pang pangngalan. Nagsasalaysay o nagsasaad din ito ng isang bagay, pook, pangyayari, opinion, katotohanan at kaisipan. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.) Halimbawa: Ang ating mundo ay isang tahanan na punong-puno ng kayamanan. Hindi mapagkakaila na si Gina ay isang matalinong bata. Ang Pilipinas ay isa sa pinaka-magandang bansa sa buong mundo. 2. Patanong
Ito ay nagsasaad ng katanungan at ito ay nangangailangan ng kasagutan. Ito ay nagtatapos sa bantas na tandang padamdam.
Halimbawa: Bakit ka naglayas sa bahay ng iyong kapatid? Hindi ka ba sasama sa amin? Ano ang iyong balak gawin pagkatapos mong mag-aral? 3. Pautos o Pakiusap
Ito ay nagsasaad ng kahilingan o utos sa isang tao upang gawin ang isang bagay. Nagsisimula ito sa pandiwa o salitang kilos. Maaaring ito ay nagtatapos sa bantas na tuldok (.) o tandang pananong(?).
Halimbawa:
Kunin mo na ang iyong libro at sagutan ang iyong takdang aralin.
Turuan mo naman akong magluto.
Pwede mo ba akong turuan sa aking takdang aralin?
4. Padamdam Ito ay nagsasaad ng matinding emosyon o damdamin. Ito ay nagtatapos sa bantas na tandang padadam. Halimbawa: Aba! Ang galing naman ng kapatid ko. Huwag mong inumin yan! Naku! Naiwan ko na naman ang baon ko.
Comments